Nuo'y nawalan na ako ng pag-asa
na ika'y aking makikita
isang taong makakasama
sa lungkot man o saya
ang dami ng nakilala
ngunit ni isa wala sa kanila
isang tulad mong marunong magpahalaga
sa damdamin ng iba
marunong kang makibagay sa lahat ng bagay
sa asaran at tawanang walang humpay
kahit minsan alam mo ng sablay
patuloy ka pa ring nakikisakay
minsan pag nadadaig na ng problema
makausap lang kita parang nawawala na
para bang may taglay kang mahika
na kahit malungkot,bigla mong napapasaya
madalas man tayong di nagkakaintindihan
di mo hinahayaang magtagal ang tampuhan
agad agad gumagawa ka ng paraan
upang ito'y di na magtagal
hindi ka kunsintidor na kaibigan
pag alam mo ng mali di mo kinakampihan
bagkus iyong pinagsasabihan
at kung maaari paluin pa't pagalitan
ikaw lang ang tanging nakakaintindi
nakaluko't man ang mukha ko o nakangiti
di mo iniiwan kahit sandali
lalo't kailangan kita sa aking tabi
tama ang pagkakakilala ko sayo
isa kang tunay at tapat na tao
manghihinayang siguro ako
kung hindi ka naging bahagi ng buhay ko..
nakatatak ka na sa puso ko't isip
kasa-kasama sa aking panaginip
sabi nga,"if i had only one friend left"
ikaw yun!wag ka sanang mawawala
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento