TAMIS NA PAG IBIG
Ang sarap ng iniibig at umiibig ng lubos
sumasagad sa buto at ito ay tumatagos
sa pusong umiibig, nagmamahal ng lubos
maghihintay lagi, mahal sana'y 'wag lumimot.
Minamahal man ay nasa malayo
malapit naman siya sa iyong puso
kumapit ka lang sa kanyang pangako
tukso ay iwasan, para hindi masiphayo.
Ang pagibig na wagas at tapat
lagi na lamang merong katapat
langit man at lupa ang inyong pagitan
kung pagibig naman ay walang hangganan.
Tunay na pagibig ay hindi mabubuwag
dumating man ang sigwa, unos na malakas
ang lakas ng loob at palaging matatag
magdasal sa Diyos para bigyan ng paglingap.
Huwag sanang mangamba sa minamahal
iwasan din naman ang siya'y paghinalaan
para ang pagibig ay tumubo pa ng lubusan
umusbong lagi ang tapat na pagmamahalan...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento