paminsa-minsan naalaala mo ang iyong karanasan
ang nakalipas sa buhay mo na nagdaan
at pag naisip mo at iyong binabalikan
ay masasabi mong mali o nakapanghinayang
kung itoy isang pagakakamali ay dapat kalimutan
ngunit kung itoy tama ay pilit mong binabalikan
subalit may mga karanasan na di muna ulit isipin
at mayron naman na tagumpay ang naging mithiin
iyong pilit kinakalimutan at ayaw ng balikan
ang isang mapait at masamang karanasan
na nagdulot ng pasakit sa pusot kalooban
at halos aabot kana sa tinatawag na kamatayan
iyo namang ninanais at pinanghihinayangan
ang isang maganda at makulay na karanasan
at iyong inaasam na muli iyong maranasan
para sa tagumpay at sa iyong kinabukasan
anumang uri ng karanasan ang ating pinagdaanan
itoy di natin alam na ating mararanasan
tayoy binibigyan lamang ng isang magandang aral
para di natin malimutan ang Puong maykapal...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento