Lunes, Enero 13, 2014

nasaan ang pangako?

Sa araw at gabi malayo ang tanaw
naghihintay sa langit kong ikaw
umaasa pa rin na ikaw ay matanaw
baka sakaling ika'y madalaw

Sa pag iisa ko'y hinahanap hanap
ang iyong pangakong magiging tapat
ngunit nasaan ang sumpang binitiwan?
ito ba ay iyo ng nalimutan?

Nalimot mo na ba ang ating suyuan
na tanging tayo lang ang magmamahalan
walang pakaiibigin kundi ang isat-isa lang
payayabungin ang pag-ibig na nasimulan

Labis akong nasaktan sa nabalitaan
na ikaw ay lumisan,nagibang bayan
hindi ko lubos na maunawaan
kung bakit ako'y nagawa mong iwan

Wala akong alam na kasalanan
upang magawa na ako'y saktan
mayron ka na bang ibang minamahal?
o sadyang ang pag ibig mo'y naglaho na lang?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento