Linggo, Enero 12, 2014

TANGING ALAALA

Alaala na lang ang tanging naiwan

simula ng tayo ay magkatampuhan,

Dati ang mata ay puno ng ligaya

bakit ngayon hitik sa pangamba?

Hanggang tingin na lang ba sa litrato sinta?

sakit sa puso ay ramdam ko na,

talaga bang patawad ay malabo pa?

hanggang kelan ako magdurusa?

Sinikap kong magbago at maging totoo

dahil nais ko ay bumalik sayo,

tapusin ito ng walang ng gulo

para hindi na tayo magtalo.

Pinilit kong limutin ang sakit na nasakin

dahil di ko na kaya maging bulag at alipin,

Manhid na ang puso ko sa iyong hinaing

kahit kabutihan tila wala parin.

Hanggang kailan tayo ganito sinta ko?

Puro sakit lang ba ang idudulot mo?

Hanggang kailan ako iiyak sa harap mo?

Ang dami ko ng luha nasayang sayo.

Hanggang kailan ako maghihintay sayo?

babalikan mo pa ba ko?

Patawad mahal ko, patawad kaibigan ko,

hindi man maibalik ang ikaw at ako

ANG NAIS KO AY KAPATAWARAN GALING SAYO !!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento