Lunes, Enero 13, 2014

OH PAG IBIG

Pag-ibig naturingan,,kailan kaya matitimbang,
Sa puso sumisibol,,kahit may alinlangan,
Sapat na ba ang salita,,upang magkatuluyan,
Nang dahil sa pag-ibig,,may masaya at kalungkutan,

Kailan mararating,,wagas dalisay at tunay,
Sa kaibuturan nagmumula,,at walang kahungkagan,
Di kaya ang iba,,ay sadyang naglalaro lamang,
Nang dahil sa pag-ibig,,ngiti at luha katuwang,

Alin sa kanila kaya,,ang may tunay na hangarin,
Pagmamahal na inaalay,,karapat-dapat salubungin,
Tiyak kaya lahat,,sa utak at puso nanggagaling,
Nang dahil sa pag-ibig ,,bulag at bingi bagsak may kimkim,

Pag-ibig nga naman,,sadyang makapangyarihan,
Sakit na dulot,,takip ng ligayang panandalian,
Bunsod ng pagsubok,,tila bagyong makiraan,
Nang dahil sa pag-ibig,,kakayanin para sa pagmamahal,

Sarili man di mapigil,,sa tibok at kabog ng dibdib,
Isip talo sa puso,,kung ito'y tuloy sa pagsanib,
Kahit man pilit,,limutin o di kaya'y iwaksi,
Nang dahil sa pag-ibig,,dahilan matamis na ngiti,:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento