Lunes, Enero 13, 2014

bulalak (rosas)

siya ay isang rosas
na namumukadkad
sa taglay niyang halimuyak
ay walang katulad.

siya'y hinangaan
pinitas at di inalagaan
nalanta ng di inaasahan
nakakapaghinayang.

natuyo ang talulot
kulay ay kumupas
sa tabi naghihimutok
naglaho paghangang wagas.

siya'y isang rosas
alagaan na may pag iingat
diligan ng pagmamahal
ng ito ay magtagal... :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento