Lunes, Enero 13, 2014

ALAALA

Kaysarap balikan sa gunita yaring alaala ng kahapon
Kahit ibinabadya nito'y pamumuo ng luha sa aking paningin
Kalungkotan ay sinaklaw buo kong kamalayan
Kung hindi sana kita iniwan
At nangibang bayan

Dibdib koy puno ng hinagpis
Dapat nga bang sa alaala ng kahapon ako'y tumalilis
Di ko ninais na ako'y mabilanggo hanggang wakas
Ngunit damdamin ko'y handang magtiis

Aanhin ko ang yaman dito sa mundo.
Alaala mo na lamang ang kapiling ko
Ako ngayo'y alipin ng pagsisisi at pagkabigo
Ariin man kitang akin ngunit,
Sa pangarap na lamang kita maaangkin giliw ko.

Heto pa rin ako aking sinta
Humuhugot ng kunting pag-asa
Humiklas man ang panahon at wala akong mapala.
Hihintayin pa rin kita hanggagn sa isuko katawang lupa at kunin ako ni Bathala...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento