Lunes, Enero 13, 2014

lihim

di mo ba nakikita
di mo ba nadarama
sa iyo ako ay may pagsinta
sa iyo lamang ako nakadama

ang puso ko'y tila kumakaba
kapag lumalapit ka at nagsasasalita
ako'y lumulutang sa iyong harapan
nawawalan malay ng di mo halata

paano mo malalaman kaya
pag-ibig kong di ko maipakita
sa iyo ako may lihim na pagsinta
pinapangarap ka sa tuwi tuwina

kung ako kaya sa iyo magsasabi
pansinin mo kaya aking pag-ibig
sasagipin mo ba aking puso
kung sasabihin kong ikaw aking gusto

wag kang iiwas kapag ako'y lumalapit
pagkat nahihiya ako sa iyo at nanginginig
para kang yelo sa akin katawan lumalamig
naiilang ako sa iyo ng di mo batid...

kung babaligtarin lamang ang mundo
sana'y ikaw naman ang magkagusto sa akin
at ako sa iyo ay di tatanggi
magmamahalan tayo ng wagas at magpaparami....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento