sa aking pagkatao
likas sa akin ang pagiging bolero
subalit ganito man ako
wag kang mag-aalala nag-iisa ka lang sa puso ko
mga salita kong lumilipad kung saan dako
nag-aalala ka baka ako'y kung saan saan dadapo
mga sinasabi kong kay tamis sayo
iniisip mong ginagawa ko rin sa iba ito
wag kang mag-alinlangan sa akin sinta
pagkat ang pag-ibig ko'y tunay at tapat sayo
kahit buksan mo pa ang aking puso
makikita mong ikaw lang ang tinitibok nito...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento