wag kang mabahala
di kita sasaktan
di kita susumbatan
di rin kita pababayaan
ang sa aki'y lamang
mahalin mo lang ako ng tapat
isapuso mo ako sa tuwi twina
at ako'y papasaiyo magpakailanman
alam mo ang tama
alam mong mahirap itama
subalit pagkakamali'y malilinis naman
basta ituwid mo lang ang iyong tinatahak
wag ka lang mawalan ng pag-asa
hanggang sa huli mong hininga
sana'y tuklasin mo ang hiwaga
ng sa huli'y di ka mahiwalay
at mamahalin kita hanggang sa kabilang buhay.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento