pasulyap-sulyap kana lamang
di mo masabi ang nararamdaman
laging nauunahan ng kaba at hiya
kaya dinadaan mo nalang sa tula
kay hirap ang ganitong kalagayan
di mo masabi ang nararamdaman
sa tuwing nakikita at kaharap mo siya
lagi ka nalang napipipi at natotorpe ka
hanggang kaylan mo kaya makakayanan
na itago ang iyong nararamdaman
at kapag di kapa kumilos ng maaga
baka sa huli ikaw ay mawawalan
huwag kang matakot at maduwag
sa pag harap sa iyong nililiyag
at buong tapang na iyong ihahayag
na siyay mahal mo ng buong tapat
diyan mo lang mapapatunayan
sa pagtatapat ng katotohanan
na siyay iyong minamahal ng lubos
at sa puso mo ang pag-ibig ay taos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento