Bunga ng pag ibig,
Una ay napapakilig,
Sa mga lalakeng astig,
Sa huli'y luha kumabig!
Bunga ng pag ibig,
minsan may saya,
walang humpay na ligaya,
ngunit kakambal ang paglaya!
Bunga ng pag-ibig,
Di agad makokoro,
Lahat laging tuliro,
Kung siya na'y mahal mo!
Bunga ng pag-ibig,
Kay pait,kat sakit,
Nararamdaman malimit,
Sa pusong mapanglait!
Bunga ng pag-ibig,
sing tayog ng bituin,
Pangarap sumasailalim,
Tingala bawat mithiin,
Bunga ng pag-ibig,
Munti man makahulugan,
Sa taong napupusuan,
Sa buhay tunay na mananahan,
Bunga ng pag-ibig,
Tiyak may lambing,
Sa kalabog ng damdamin,
Sa iyo'y laging kapiling,....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento