Lunes, Enero 13, 2014

sanay hindi na nakilala pa

BakiT ganiTo ang nangyaRi sa akin
tila ako'y may selos na nararamdaman
kahit Hindi naman dapat, Pagkat
alam kong ako'y Panakip butas lang

sadyang tagapagPiLas ng iyong kaLungkutan
taga bigay ng iyong panandalian kasiyahan
nagiging pasaway paminsan minsan
at nagmamahaL sayo ng Tapat

kahit aLam kong ako'y pangalawa
sa iyo ako'y alam mong tapat
subalit ng malaman kong may iba ka pa
sadyang damdamin ko'y iyOng nasaktaN

di ko na ata matanggap kung kami'y tatlo pa
o sadyang ganyan ka lang talaga
ginagawa mo kaming DamiT na
kapag madumi na'y iyo na lang agad papaLitan

pabago bago ang iyong nararamdaman
pagkat alam mong mahal kita at mahal ka nila
kaya ganun ka na lang kung Umasta
kami'y ginagawa mong Panandalian lamang

sana'y di kana nakilala pa
para di na ako nasaktan pa
at di na umasa pa sa pangako mong
ako'y pangalawa maN ay Huli mamahalin muna....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento