Ang araw ng mga puso,kung sumapit at darating
Ikaw ang siyang aking nais,sa buhay ko'y makapiling
Pagkat ito'y tanging araw,sa buhay ko'y maituturing
Na hanapin nitong puso,ang katugon ng damdamin
Ako na may walang nais,sa valentine makasama
Na magiging valentino,sa gitna ng pagsasaya
Kundi ikaw lang Simpatiko,ng buhay ko at ligaya
Na tinuhog ni kupido,ating puso'y pinag-isa
Hindi ko na kailangan pang,hahanapin na kung sino
Dahil ikaw ang alam kong,aking maging valentino
Pagkat ikaw ang may tangan,sa kapilas ng puso ko
Na sa dulo nitong pana,itinuhog ni kupido
Ikaw lamang walang iba,ang nais kong makasama
Sa araw ng mga puso,aking maging kapareha
Ang kapilas nitong puso,na saiyo ay nakita
Na kung iyong marapatin,ako ang yung valentina
Mapupulang mga rosas,ang alay at inahandog
Ang alay ng valentine,sa mutya niyang iniirog
Ito'y bilang isang tanda,ng pag-ibig na marubdob
Ganyan din ang aking nais,ang sa akin mo iabot
At kung tayo ay kakain,ang nais kong malasahan
Ang lahat ng hugis puso,na angkop sa pagdiriwang
Pusong saging pusong manok,huwag lang pusong salawahan
Na hindi ko pinangarap,sa buhay ko kalian pa man
Ikaw ang siyang valentine,aking nais makasalo
Maging aking kapareha,sa araw ng mga puso
Yaong ating kasuotang,na animo'y kulay dugo
Ay siyang maging simbulo,ng umiibig nating puso
Sa palad ko ay damhin mo,ang init ng pagmamahal
Habang tayo'y naglalakad,na kung saan namamasyal
Sa araw ng mga puso, ipadamang ako lamang
Ang mahalin mo't ibigin,habang ika'y nabubuhay
Ang pag-ibig mo sa akin,na animo'y pulang rosas
Manawaring di magbago,yaong kulay na matingkad
Haba sanang lumalaon,ang panahon lumilipas
Ay lumagi sana ako,ang ibigin mong matapat
Sa araw ng mga puso,ikaw ang siyang valentino
Ang alab ng pagmamahal,ipadama sa puso ko
Ibulong mong ako lamang,ang tangi na ibigin mo
Na kalian man ay hindi ka,sa akin ay magbabago.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento