Huwebes, Enero 23, 2014

panaginip

Pagibig na kay tamis kaysarap isipin
lalo at mahal mo ay laging kapiling
at sa pagtulog ay lagi s'yang kasiping
mga problema ay laging no pansin.

Kahit nasaan man ikaw ang kaulayaw
sa pamamahinga ikaw ang nasa isipan
kahit matagal ng ika'y aking hinihintay
di pa rin magmamaliw pagibig kong lantay.

Nasaan ka man ako ay laging andito
nagmamahal at naghihintay lagi sa iyo
tinatanaw ang dumadaang eroplano
baka sakaling nakasakay ka na dito.

Sa aking panaginip ikaw ang nakikita
hawak kamay tayong naglalakad na dalawa
walang pakialam sa sasabihin ng iba
basta laging magkasama tayo ay masaya.

Ayaw ko na sanang magising sa panaginip
para tuloy tuloy ang yakap nating mahigpit
minamasdan ang araw namamaalam sa langit
para bukas ng umaga ay may ngiti na sasapit.

Nguni't anong magagawa sa aking paggising
hinahanap kita at ang iyong paglalambing
na sa katotohanan ikaw ay di kapiling
nasa malayong bayan ano aking gagawin?

Sana lang giliw ay huwag kalimutan
sa sumpaan natin sa harap ng altar
na tayong dalawa ang haharap sa buhay
walang iwanan magpakailan pa ma

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento