Pananagutan ko bang pasakop sa iyo
Na kahit na mali ay susundin ko
Pagmamahal pa ba yaring pinadarama mo
Bakit ang puso ko'y nalilito
Pag-ibig pa nga ba ang syang dahilan
Sa tuwing sasabihin mong ako'y iyo lang
Di kaya isa itong kasakiman
Pagkat nais mo'y lumayo ako sa aking mga minamahal
Totoo pa nga ba ang iyong bukambibig
Na ako'y tunay at wagas mong iniibig
Bakit sa tuwing ito'y aking naririnig
Ang Nadarama ko'y GAnid na Pag-ibig
Mahal kita,Mahal mo ako
Ngunit iba ang pagmamahal mo sa pagmamahal ko
Dahil minamahal ko ang lahat ng minamahal mo
Subalit ikaw,ako Lang ang gusto
Ayoko sanang humantong sa ganitong paraan
Subalit tama na,dikta ng puso't isipan
Sila pa rin sa puso ko ang mas matimbang
At hindi ipagpapalit sayo o kahit kaninuman....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento