Lunes, Enero 13, 2014

Puso koy matagal ng hindi tumibok. Dahil sa dinanas na masakit na dagok. Mula ng sumapik ka sa puso kong dumupok. Daloy nang buhay ko animo nasa tuktok. Ang masakit na sinapit ng aking kapalaran. Dahil sa walang tigil na pag ulan. Tinuyo ng pag ibig mong walang pakundangan. Kaya masiglang lumulundag sa kaparangan. Ang pag mamahal na iyong ibinalot. Pinawi sa puso lahat ng salimuot. Paka minsan may itoy sumusulpot. Ngunit dina alintana ang hapdi at kirot. Pag ibig na iyong isinablay. Damit ng buhay kong hindi magugutay. Sumapit man yaring muli ang pagka lumbay. Hindi manlulumo o mamatay. .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento