Nababalot ng nakakabinging katahimikan
Itong daang aking nilalakbay't dinadaanan
Na dati'y punong puno ng ingay at tawanan
Nang aking nakakasalubong at nakakasabayan
Ngunit sa pagkakataong panahong ganito
Wala man lang akong nakikita kahit anino
Maging huni ng kuliglig o busina ng Auto
Na siyang lalong nagpapakaba sa puso
Takot at pangangamba ang bumabalot sa pagkatao
Sapagkat hindi ko alam kong anong meron sa dulo
Na ang nakaambang ba'y kaligtasan o kapahamakan
Dahil sa nangangalit na Inang kalikasan
Kaya naman sa poongMaykapal usal ay Dasal
Na Kanyang gabayan,at ligtas na makakarating sa paroroonan,,,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento