Mayron ako sayong sasabihin
wag mo sanang mamasamain
meron ka bang galit na lihim?
o sadyang ikaw ay naiinggit sa akin?
Wala naman akong ginagawang masama
bakit lagi mo na lang akong kinokontra?
hindi naman ako nakikipag kumpitensya
ginagawa ko lang ang trabaho ko di ba?
Lahat ng sasabihin ko mali sa iyo
wala na akong ginawang tama sa mga mata mo
lahat ng ginagawa ko nakikita mo
para kang linta kung sumipsip sa ating amo!!!
Ginagampanan ko ng maayos aking trabaho
wala akong nais na sagasaang tao
kayat wag mo naman akong siraan sa ating amo
pagkat mahal ko ang trabahong ito..
Sana ito'y mabasa mo
at tumanim sa isipan mo
na nais ko lamang magtrabaho
hindi magkaroon ng kaaway na tulad mo!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento