Lunes, Enero 13, 2014

tayong dalawa

Nang ikaw ay ibigin ko.
Mundo ko'y kay sigla at nabago.
Lahat ng mga pangarap ko,
Sinikap kong matupad,para sa iyo.

Ang saya ng bawat araw natin.
Yakap at halik nating suyuan,
Halos wala nang katapusan.
Dama natin ang tamis,nang ating pagmamahalan.

Sa mga gabing kapiling ka,
Puso ko,ay anong saya at sigla.
Pakiramdam ko ay nasa alapaap na.
Inihehele ng iyong pagsinta.

Oh! ,aking mahal,
Dalangin ko sa Maykapal,
Makamtan nating lagi,wagas na pagmamahal.
IKAW AT AKO ,hanggang sa ating pagdatal....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento