May mga pangarap kay hirap abutin
Problemang natanggap ay ating lutasin
Lika't pag-usapan ating 'tong ayusin
Ang pagmamahalan isalba pa natin
Hirap solusyonan kung walang tulungan
Sa dulong hantungan dito ang sisihan
Sana ay pagbigyan ako ay pakinggan
Na sa'yong harapan pagsamo'y pagmasdan
Mga dating alab nawala ang talab
Wala ng lagablab hindi na maliyab
Nadarang nasalab sa pugong may silab
Panay nalang hikab puso'y humihilab
Ayaw maniwala ako'y iiwanan
Pag-ibig na laan bigla'y talikuran
Nagbalik sa wala paano simulan
Ituro ang daan patungong pintuan
Ang dating masaya ngayon ay iba na
Ako'y nagdurusa pagka't lumisan ka
Wala bang pag-asa muling magkasama
Ating maisalba PAG-IBIG 'NUNG UNA...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento