Sabado, Pebrero 22, 2014

nang ikay nakilala

nagdaang panahon,nitong aking buhay,
ay kulang sa sigla,at wala ngang kulay,
nang kitay makilala,ang lungkot na taglay,
dagli mong pinawi,tuwa ang binigay..

madilim n mundo,puso koy tuliro,
di tiyak ang daan kung saan patungo,
nang ikay dumating,ay biglang nagbago,
nakita ang landas,taglay ng puso mo..

sayo natagpuan,nawawalang pisi,
gagapos s puso,siyang magtatali,
ikaw ang may tangan,may hawak ng susi,
siyang nakabukas ng puso kong sawi..

marahil itinakda,guhit ng tadhana,
ikaw ay dumatal sa buhay kong aba,
cguro ngay ikaw,oo ikaw na nga,
aking makapiling sa hirap,ginhawa..

hanggat may hininga,dasal ko sa DIYOS,
wag kang iwawalay buhay may matapos,
kaya kinakaya,harapin ang UNOS,
ikaw ang dahilan,ang LAKAS kong lubos..

kaysarap isipin,kung mata'y ipikit,
mgkahawak kamay,sayo'y nakadikit,
pait ng paalam akin mang masapit,
tamis ng halik mo,babaunin sa LANGIT...